Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabalik ni John Lloyd kailangan ng matinding impact

TULUYAN na nga raw magbabalik si John Lloyd Cruz sa kanyang pagiging artista. Pero kahit na may standing contract pa siya sa ABS-CBN at Star Cinema, dahil hindi tumakbo ang time clause ng kontrata noong mag-leave siya, lumipat na siya ng management at sinasabi ngang ang magiging manager niya ngayon ay si Maja Salvador. Mukhang marami ang ayaw bumalik sa Star Magic simula noong mag-retire na nang tuluyan si Johnny Manahan.

May nasisilip lang kaming kaunting problema riyan, dahil mukhang nagkaroon ng kaunting friction ang ABS-CBN at kay Maja, kaya nga kahit na natigbak na ang kanilang  Sunday noontime show na ginawa sa iba, walang narinig na offer sa kanya ang dati niyang network. Hindi lang namin alam kung magkakaroon ba iyan ng epekto ngayong siya ang manager ni John Lloyd.

Isa pa, kailangan nilang mabigyan ng matinding push si John Lloyd dahil matagal nga iyong nawala at ang naging comeback movie ay isang indie, na hindi mo siyempre aasahang magiging hit tulad ng mga pelikula ni John Lloyd noong araw. Ano nga kaya ang mangyayari?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …