ANG sabi ni Derek
Ramsay, kahit na raw
ang opinion ng 10,000 tao na hindi naman nakaaalam ng tunay na sitwasyon bale wala rin. Ibig sabihin, hindi niya pakikinggan ang opinion ng ibang tao sa kanyang mga ginagawa. Karapatan naman niya iyon. Buhay niya iyon eh, at ayaw niya nang may makikialam sa kanya.
Karapatan niya iyon, at kung ayaw niyang makinig, bakit naman ninyo siya pipilitin. Kahit na sabihin ninyong mali ang kanyang diskarte sa buhay, nasa kanya pa rin ang final say kung ok nga ba o hindi ang kanyang ginagawa.
Lalo na nga at ang pinapansin ngayon ng mga tao ay iyong kanyang love life. Iyan ang pinakamahirap na panghimasukan ng ibang tao. Involved kasi riyan ang emosyon ng isang tao, at kasabihan na nga iyang emosyon ay napakahirap turuan. Kung ano ang nadarama ng isang tao, tama man iyon o mali naitutulak siya ng kanyang emosyon na gawin iyon. Kung mali at ma-realize niya iyon pagdating ng araw, puwedeng magsisi siya pero wala siyang ibang puwedeng sisihin.
(ed de leon)