INGGIT much ang may edad
nang kababaihan sa
pagkakaroon ngayon ng anak ng Kapuso artist na si Alice Dixson. Imagine, sa edad na 51, mayroon na silang anak ng husband niyang foreigner, huh!
Hindi na puwedeng magbuntis si Alice sa edad niya. Sa pamamagitan ng surrogacy method ay nagkaroon siya ng anak.
Ayon sa Google, ”Surrogacy is an arrangement, often supported by a legal agreement, whereby a woman (the surrogate mother) agrees to bear a child for another person or persons, who will become the child’s parent(s) after birth.”
Isa sa guests si Alice sa live at virtual edition ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga last Saturday bilang first time mom this year. Bahagi ito ng Mother’s Day celebration ng noontime show.
Inilantad ni Alice na babae ang anak at Aura ang pangalan. Sa abroad ipinanganak ang bata at kasama niyang bumalik sa bansa last May 1.
Personal niyang inasikaso ang papeles ng bata para magkaroon ng visa at naging driver at yaya siya at the same time habang inaayos ang pabalik nilang mag-ina sa bansa.
“It was an amazing experience. I wish that I knew about it earlier…and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier.
“Pero heto na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I’m gonna turning 52 this coming July,” pagmamahalaki ni Alice.
Mahal sumailalim sa surrogacy method at sa ibang bansa, dolyares ang bayaran. Keber ba ni Alice sa gastos magkaroon lamang ng anak.
I-FLEX
ni Jun Nardo