Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ray Reyes ng Menudo pumanaw na

PINAG-UUSAPAN pa rin ang kamatayan ng dating member ng Menudo na si Ray Reyes. Last year, namatay din ang isa pang dating member ng boy band na iyan, si Anthony Galindo, pero hindi masyadong napag-usapan dahil wala na siya sa boy band nang ito ay magpunta sa Pilipinas noong 1985.

Noong unang dalhin ng Viva ang Menudo sa Pilipinas, kasama si Reyes. Pero nang muling magbalik ang grupo na dinala naman ditto ng Octoarts, wala na si Ray. Pinalitan siya ni Ray Acevedo, at ang sabi noon ng kanilang manager na si Edgardo Diaz, pinalitan siya dahil tumaba. Sa kanilang grupo, kung sino man ang lalampas na sa itinakdang edad o tumangkad nang sobra, o kaya ay tumaba, graduate na. Bagama’t ang isang dating member, si Charlie Masso, kahit na matanda na ay isinasama pa rin bilang solo performer.

Naging kontrobersiyal din iyon noon sa fans, dahil si Ray na 15 lang ang inalis ni Diaz samantalang ang pinakamatanda sa grupo ay si Masso. Noong palitan si Masso ni Sergio Blass, kasama pa rin siya sa concert at ipina-duet pa nga kay Lea Salonga sa Araneta noon.

Mas lalong nagkaroon ng controversy nang aminin ni Reyes noon na siya at ang iba pang members ng Menudo ay inabuso ng kanilang manager na si Diaz. Nakaligtas umano siya kay Diaz nang mapasukan sila ni Robbie Rosa na sinuntok si Diaz nang makita ang sitwasyon. Nakatakbo raw siya paalis, sabi ni Reyes.

Hindi nagtagal, ang isa pang member ng Menudo, si Roy Rosello ay nagsabi ring siya at maging si Ricky Martin ay inabuso rin ni Diaz. Nasundan iyon ng reklamo rin ni Ralphy Rodriguez na nagsabing hindi maganda ang trato sa kanila ni Diaz at pinagtatrabaho sila kahit na may sakit. May isa pang member, si Ruben Gomez, na inalis ni Diaz sa grupo sa hindi malamang dahilan.

Ang lahat ng mga akusasyong iyan ay itinanggi ni Diaz hanggang sa bumaba na rin ang popularidad ng grupo nang mawala na ang mga sikat na miyembro, at wala na ring sumikat na bagong kanta, kaya iyon ay na disband na rin. Sayang ang popularidad ng Menudo. Sila ang nagpakilala sa kakayahan ng mga Puerto Rican performers sa buong mundo.

Itsismis pa ba namin ang may matinding crush noon kay Charlie na kinakatok pilit ang room ng singer sa hotel, at kung paano naman siya iniiwasan ni Charlie? Itsismis ko ba Tita Aster Amoyo?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …