HINDI raw kaya ni Ai Ai de las Alas na tumulad sa mga artistang nagtatayo ng community pantry.
May takot din kasi kay Ai Ai dahil baka maging dahilan ang pagtatayo ng pantry ay dumami ang mag-positive sa COVID-19.
“Of course, alam naman natin na kapag magkakadikit, bawal ‘yon, ‘di ba? Kasi nagkakahawaan. Dapat hindi masyadong maraming tao,” rason ni Ai Ai sa interview sa kanya ng gmanetwork.com.
Batid ng Comedy Queen na nakatutulong ang community pantries sa mga taong nangangailangan. ‘Yun nga alam, ‘yung mga hindi sumusununod sa health protocols ang nagiging problema.
“Kailangan nating sumunod. Hindi naman tayo first world country na maraming bakuna. Third world tayo. Mahirap tayong bansa. Hindi tayo mayaman na maraming magagawa ang gobyerno, na lahat tayo puwedeng mabakunahan,” dagdag pa ng lead actress ng Kapuso series na Owe My Love.
Bago pa man ang community pantry, tumutulong na siya sa mga simabahang pinagsisilbihan ng mga kaibigang pari sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkaing ipinamamahagi nila sa komunidad.
I-FLEX
ni Jun Nardo