Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday at Ryan, walang gulo at away sa 12 taong pagsasama

ISIPIN mo, 12 years na palang mag-asawa sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nakagugulat dahil ilang panahon na lang ay teenager na rin pala ang anak nilang si Lucho. Ang bilis talaga ng panahon kasi nang una naming nakita iyang si Juday, neneng-nene pa roon sa That’s Entertainment.

Pero natatandaan namin noong panahong iyon, mayroong nanay ng isa pang female star na nagsabing naniniwala siya na pagdatig ng araw ay magiging isang matagumpay na housewife si Juday. Iyong anak daw niya, maaaring maging mahusay sa negosyo pero sa bahay walang alam.

Mukhang tama iyon. Tingnan ninyo si Juday, una niyang pinag-aralan iyong culinary arts kaya natuto siyang magluto nang mahusay para sa kanyang pamilya, at makapasok pa rin siya sa restaurant business. Iyon nga lang, iyong restaurant niya, nadale rin ng lockdown.

Pero 12 years na silang kasal ni Ryan,walang nababalitang gulo at wala ring away. Hindi ba nakatutuwa?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …