Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel sinisi rin sa mga nagpositibo sa mga pumilang netizen sa kanyang community pantry

NAKAKATAWA talaga ang mga troll, ngayon sinisisi naman nila si Angel Locsin dahil ang kanyang naging konrobersiyal na community pantry ay pinagmulan daw ng Covid infection. Ang basehan ay may nakita raw doon na isang lalaki na may contact sa isang Covid patient na nakipila sa pantry ni Angel. Aba eh, napakagaling naman pala ng contact tracing system ng mga troll, isipin ninyo iyong dami ng taong iyon, nakita nila at nakilala ang isang nagkaroon ng contact sa isang Covid positive, at sinasabi nilang kasalanan iyon ni Angel.

Ang nakatatawa, tahimik sila sa kawalan ng social distancing at sa mas maraming na-heat stroke dahil sa pagpila sa ayuda na binabantayan ng mga pulis at barangay at ipinamimigay ng DSWD.

Bakit kung may mapahamak sa mga pilahan ng ayuda ng gobyerno, tahimik ang mga troll, pero nanggagalaiti sila sa mga community pantry?

Siguro asar sila, bakit nagiging bida ang mga community pantry? Una sa pantry kasi walang pinipili. Basta pumila ka, hanggang hindi nauubos ang laman ng pantry may makukuha ka. Hindi kailangang  malakas ka kay chairman o kaibigan mo si kagawad para may makuha ka. Iyon namang mga donor, natutuwa dahil nakikita nila na talagang  ipinamimigay ang donasyon nila, hindi gaya sa dating sistema na magbibigay ka nang hindi sigurado kung ipamimigay nga ang donasyon mo o mapaghahatian na lang. Puwede rin na iyong donasyon mo ay maisama sa plastic na may picture ng politiko, o logo ng isang network.

Ngayon, hindi lang nila sinisisi si Angel sa pagkamatay ng isang senior, sa halip na sisihin kung sino sana ang dapat na nagbibigay ng biyaya sa senior citizen na iyon para sundin silang huwag nang lumabas ng bahay at huwag magbilad sa araw. Sinisisi rin nila si Angel dahil may nakita raw sila roon sa isang taong may contact sa may Covid, na halip na sisihin nila kung sino man ang hindi nagkaroon ng kakayahan na mai-isolate ang taong iyon para hindi na siya makapagkalat ng virus.

Sa ngayon, ang hinihintay na lang namin  ay kung kailan sisisihin si Angel kung bakit ipinabaril si Jose Rizal sa Luneta, o kung bakit pinaslang din si Andres Bonifacio sa Cavite.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …