Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtulong ni Angel tila malaking krimen; Pagbanat politically motivated (Tulong ng artista ibigay na lang sa kaibigan o fans)

NANG tanungin si Angel Locsin kung magbubukas pa siya ulit ng community pantry, ang maikli niyang sagot ay, ”hindi na po. Hindi na.” Iyon nga raw hindi na naipamigay na goods, dadalhin na lang nila sa ibang community pantry para ipamigay. Hindi naman kasi akalain ni Angel na may mangyayaring hindi maganda sa kanyang binuksang community pantry. Pero kung pakikinggan mo ang iba akala mo isang malaking krimen na ang ginawa ni Angel. Kung minsan ang mga comment alam mo politically motivated na. Nagsimula lang naman iyan noong mai-red tag minsan si Angel.

Mayroon bang nagsabi ng ganyan noong ang isang kotse ni Angel ay ibinigay niya para ipagbili at makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda? Ano ang sinasabi nila nang nakalupasay si Angel sa sahig at nagbabalot ng relief goods para sa mga biktima ng bagyo? Ano ang sinasabi nila nang isa siya sa mga unang-unang dumating sa Batangas nang pumutok ang Taal bago ang pandemya? Ano ang sinasabi nila noong magsimula siyang magdala ng pagkain sa mga frontliner, hanggang sa nagtayo pa ng mga tent para sa dumadagsang pasyente sa mga ospital at mga walang matulugang frontliner nang nagsisimula ang pandemya? Iyan bang mga pagkatataray na kung ano-ano ang sinasabi ngayon laban kay Angel, ano ang nagawa? Baka nakinabang pa?

Iyong salita ni Angel na hindi na siya uulit, nakakatakot ‘yon. Alam natin kung gaano kalaking tulong ang nagawa niya, at kung titigil siya dahil sa pinagsasabi ng mga basher na iyan na alam naman nating lahat kung bakit ganyan, sino pa ang tutulong?

Kung maisip din ng iba pang tumutulong at kailangan natin sila dahil hindi naman maaaring asahan ang gobyerno lamang, na huwag na ring tumulong dahil sa takot na baka magkamali sila at mura-murahin din sila ng mga troll at akusahang parang mga criminal, ano ang mangyayari?

Itong sitwasyon nating ito, ito ang panahon ng pagtutulungan. Dapat magtulong-tulong tayo dahil kung hindi wala rin namang mangyayari. Iyan bang tambak na tao sa mga community pantry, mangyayari ba iyan kung ang mga tao ay may trabaho? Mangyayari ba iyan kung nakatatanggap sila ng sapat na ayuda? Eh iyong ayuda ng gobyerno ang daming nababalitang hindi tama eh. Tapos kung may mga tao na kagaya ni Angel, na gumagamit ng sariling pera para makatulong sisiraan pa ng ganyan, aba malabo.

Kamakailan, si Angel din, kasama si Anne Curtis, nag-solicit sa mga kapwa nila artista ng mga lumang damit at gamit, ipinagbili iyon sa auction, tapos pinagbibigyan ng isang milyon ang mga LGU na nagsisikap laban sa Covid19. Kabilang na riyan ang Quezon City, Maynila, Pasig,Taguig, Baguio, at ang Philippine Red Cross, eh iyong mga basher ba, may naibigay kahit na P100 lang?

Tapos iyong mga tumutulong na nga inaatat pa ninyo? Ang tindi ninyo.

TULONG NG ARTISTA
IBIGAY NA LANG
SA KAIBIGAN O FANS

MAY mga iba pang artistang may community pantry. Pero hindi na malalaki. Nasa tapat ng bahay nila, kaunti lang. Kung may madaan lang puwedeng kumuha. Hindi na naglalagay ng marami dahil baka magkagulo, tapos mabalitaan pa ng mga “professional pantry raiders” tangayin pa ang ilang tray na itlog.

Kaya sa mga artista, ang maipapayo namin ngayon, relax lang kayo. Maaaring may mga kaibigan kayo, o mga fan ninyo na mangailangan ng tulong. Doon na lang kayo tumulong wala pang bashers.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …