NAKATATAKOT iyong nangyari kay JM de Guzman, sa kalagitnaan ng kanilang promo, inatake siya ng panic attack. Iyan iyong feeling na bigla na lang nagkakaroon ng takot ang isang tao kahit na walang dahilan. Nangyayari iyan kahit na ang isang tao ay natutulog. Kung minsan iyan ang tinatawag ng mga matatanda noong araw na bangungot.
Pero iyang panic attack, kahit na gising ka maaaring umatake ano mang oras nang walang warning, Kagaya nga ng nangyari kay JM, hindi na siya makapagsalita at nang tanungin siya kung ano ang nangyayari, ipinakita na lang niya ang mga kamay niyang nanginginig na.
Mild pa lang ang panic attack na iyon. Maaaring mas matindi pa ang tumama sa isang tao.
Sa mga nakararanas ng panic attack, kailangan lamang ay lakas ng loob at laging tandaan na walang nagyayaring dapat niyang ikapag-panic.
Nati-trigger din iyan kung may pangyayari talaga kagaya ng mga sunog, lindol o ano pa mang mga nakabibiglang pangyayari.
Sinasabi rin ng mga expert na itong napakahabang lockdown at takot sa Covid nakapag-papalala rin ng panic attacks. Wala na tayong aasahan talaga kundi awa ng Diyos.
HATAWAN
ni Ed de Leon