Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine naka-isolate pa rin; panibagong test hinihintay pa

NOON pa man alam na ni Sunshine Cruz na ay nadale ng Covid matapos sumailalim sa swab test. Talaga namang lagi-laging sumasailalim sa swab test si Sunshine dahil nagte-tataping siya ng isang serye, bukod pa nga sa tinapos na pelikula.

Pero ang akala nga ni Sunshine, karaniwan lang iyon na kailangan lang niyang mag-isolate at pagkatapos ng 14 days ay ayos na. Hindi naman siya pinayuhan ng doctor niyang pumasok sa ospital dahil mas magiging mahirap ang sitwasyon sa ospital. Walang puwedeng magbantay sa kanya bukod sa mae-expose pa siya sa ibang may sakit. Kaya ang ipinayo sa kanya ay mag-self isolate siya sa bahay niya.

Ang reklamo lang ni Sunshine, hindi niya makasama ang kanyang mga anak, kasi nga isolated siya at kailangang kausapin niya ang mga iyon sa pamamagitan ng telepono. Maayos naman at lagi siyang chine-check ng kanyang doctor, hindi niya kailangang mag-oxygen o ventilators, dahil kung bumababa man ang kanyang oxygen sa dugo, at kung nahihirapan mang huminga kung minsan, nebulizers lang ang ginagamit niya.

Maski sa UK ganoon na ngayon. Ang ginagamit nga nila roon ay inhalers lang na ginagamit din sa asthma, at sinabi nilang epektibo rin iyon sa symptoms ng Covid. Ganoon lang naman ang clinical approach talaga, pinananatili lang nilang malakas ang katawan ng pasyente, binibigyan ng gamot para sa relief ng symptoms, at kung magagawa iyon, kusa namang namamatay ang virus.

Sa kuwento ni Sunshine, sasailalim siya sa panibagong swab test kahapon, at pagkatapos niyon ay malalaman na nga kung puwede na siyang mag-relax at makalabas na sa kanyang isolation.

Sa dami naman ng nagdarasal para kay Sunshine, palagay naman naming ay gagaling na rin siya. Eh sa ngayon wala ka nang maririnig kundi may bago na naman daw variant ang Covid na hindi ma-detect kahit na ng swab test, eh paano nilang nalaman na may ganoon ngang variant eh hindi naman pala ma-detect. At kung hindi nade-detect kahit na ng swab test, ibig sabihin hindi rin malalabanan ng bakuna?

Talagang ang pag-asa natin ay sa Diyos na lang, wala na sa tests at mga bakuna.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …