Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga anak ng artistang bina-bash maproteksiyonan kaya ng Star Magic?

MAGANDA naman iyong sinabi ng Star Magic na laban sila sa mga heckler na naninira at nagbabanta sa mga walang malay na bata, na anak ng kanilang stars. Kasunod iyan ng walang habas na pamimintas ng ilang hecklers sa anak nina Janella Salvador at Markus Paterson. Nasundan pa iyan ng bashing na may halo pang pagbabanta roon sa wala pang malay na anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Sa ginawa nilang iyan, sasabihin mo, ayan may Star Magic pa pala kahit nawalan na ng franchise ang ABS-CBN at umalis na rin doon si director Johnny Manahan.

Pero ano nga ba ang gagawin ng Star Magic para bigyan ng proteksiyon ang mga anak ng mga star nila?

Kung kikilos sila talaga baka may mangyari. Kahit na sabihin mong off the air sila, may blocktime naman sila sa ibang channels, at may mga cable channels sila. Maaari nilang gawing issue iyang bagay na iyan Ewan namin kung aktibo pa ba ang kanilang Bantay Bata dahil hindi na namin naririnig. Pero maaari nilang pakilusin ang legal team ng Bantay Bata para habulin ang mga basher na iyan.

Pero ang tanong, magagawa ba ng Star Magic ang lahat ng iyan?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …