Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald at Julia madalas mamasyal, may pa-fishing pa

ANG balita naman ngayon panay ang pasyal ng magsyotang sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Mayroon pa silang ”fishing” activity noong isang araw. Palagay namin tama naman ang kanilang ginagawa. Mag-enjoy muna sila sa kanilang buhay. Walang dahilan sa ngayon para isulong ang kanilang career dahil delikado at baka wala namang sumugal sa kanila.

Noong minsan, nag-post lamang si Gerald ng statement na ”mas mabuting isulong ang buhay kaysa sa mag-isip kung papaano maghihiganti.” Aba inulan iyon ng katakot-takot na bashing sa kanya na lahat ay galit at wala ni isang kumampi. Talagang sa ngayon nakalagay sa balag ng alanganin ang popularidad nilang magsyota. Mukhang wala silang nakuhang simpatya mula sa mga tao. Iyon namang sinasabing fans ni Julia, halos lahat yata kumampi kay Joshua Garcia.

May comment pa ngang ”mas ok ang hamburger kaysa kay Julia.”

Malas talaga o masasabing masama ang timing, dahil nang mangyari iyan, sarado ang ABS-CBN. Kung iyong ABS-CBN lang ay kagaya ng dati, tiyak na ililigtas nila iyang si Gerald. Sabihin mo mang tagilid pipilitin nila iyan, dahil star nila iyan eh. Ngayon sarado ang ABS-CBN. Nakakalabas man sila sa ibang channels na inuupahan nila, hindi mo masasabing powerful pa rin sila gaya noong araw. Para silang agila na nabalian ng pakpak, at hanggang hindi sila nakababalik on air, mananatiling ganyan iyan. Paano nila masasaklolohan si Gerald gustuhin man nila?

Iyong Julia naman, ever since, kahit na wala pa iyang mga controversy niyan, hindi naman inaasahan na aabot iyan sa kalahati man lang ng naging popularidad ng kanyang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine. Ang maaabot lang niyan ay kung ano lang din ang inabot ng ermat niyang si Marjorie.

Kaya nga sinasabi namin, mas dapat nga siguro, tutal pandemic din naman at wala talagang masyadong trabaho. Walang pelikulang totoo dahil wala namang sinehan, wala rin naman silang maaasahang malalaking proyekto dahil sarado nga ang ABS-CBN. Mas mabuti nga siguro na i-enjoy na muna nila ang kanilang buhay may mga ipon naman sila para mag-survive sa ganitong hindi magandang panahon para sa kanilang career na naging nega ang dating talaga.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …