Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cherry Pie sa kanyang komentong EWANQ

ANG lakas ng tawa namin nang makita namin ang post ni Cherry Pie Picache na pagkatapos daw ng idineklarang ”NCR bubble” na MECQ ang kasunod daw ay “EWANQ”.

Kasi nga naman walang nakatitiyak kung ano ang susunod na aksiyon ng gobyerno. Mayroon pa ngang lumalabas na biruan na may pinaiikot daw na roleta kung anong “Q” ang susunod na idedeklara.

Habang may mga bansa kagaya ng Australia at New Zealand na nagsasabing nalampasan na nila ang problema ng Covid, wala na silang restrictions. Kontrolado nila ang pagkalat ng sakit kahit na wala pang bakuna. Rito sa atin hinuhulaan na lang natin kung ilang taon pa ang itatagal ng problemang ito na naglublob na rin sa ating bansa sa napakalaking pagkakautang na babayaran daw natin hanggang 2049.

Apo na ng mga batang kapapanganak pa lamang ang magbabayad ng lahat ng utang natin dahil sa Covid, na ang naging pakinabang lang naman natin ay ilang kilong bigas at ilang latang sardinas. Iyan namang bakuna donation lang ng China, kaya nga hindi natin maawat angkinin man ang Spratley’s. Kaya tama si Cherry Pie, EWANQ.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …