EXAGGERATED naman ‘yung 100 Pinoy designers daw ang nagtulong-tulong para sa isusuot na damit ni Rabiya Mateo sa laban niya sa Miss Universe sa Mayo sa Florida, US.
Ano ‘yon? Araw-araw na naka-gown o evening dress si Rabiya tuwing may social events ng mga kandidata?
Siyempre, lahat ng kandidata na umaasam na makukuha ang korona tulad ni Rabiya. Ang bet natin, hangad ding maiuwi ang 5th Miss Universe crown ng bansa.
Kung makuha niya, well and good! Eh kung nganga, better luck next time!
Tanong nga ng ilan, may relevance pa ba ngayong pandemic ang mga beauty pageant?
I-FLEX
ni Jun Nardo