PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at medical health professionals sa isang palsipikadong bakuna laban sa coronavirus disease (CoVid-19) na nalamang ginagamit sa Mexico at posibleng ilegal na makapasok sa bansa.
Ayon sa FDA Advisory No. 2021-0681, binalaan ang publiko laban sa paggamit ng “BNT16b2” na itinuring na palsipikado ng World Health Organization (WHO) kamakailan matapos madiskubreng mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.
Nakasaad sa label na CoVid-19 Vaccine BNT16b2, may expiration date na August 24 ( walang year kung kailan ang expiration); manufacturer na Pfizer BIONTECH; at Packaging language sa English.
Base sa FDA, kinompirma kamakailan WHO na ang bakuna ay hindi produkto ng Pfizer at palsipikado rin ang batch at expiry date ng nasabing bakuna na itinuturok sa Mexico, hindi sakop ng authorized vaccination programs.
“The FDA strongly advises the public to be vigilant on the circulation of this falsified CoVid-19 vaccine since this poses a serious risk to global public health and further increases the burden on vulnerable populations and health systems. A falsified vaccine deliberately or fraudulently misrepresents identity, composition, or cource, and upon confirmation with the genuine manufacturer. It was confirmed that this vaccine was not manufactured by them, batch number and expiry date were falsified,” ayon sa FDA.
Sa pahayag ng FDA, ang authentic CoVid-19 vaccine BNT12b2 ay bakuna laban sa CoVid-19 sa mga indibidwal na may edad 16 anyos pataas.
(JAJA GARCIA)