Saturday , April 19 2025

Agri insurance payout sa magsasaka at magbababoy dapat awtomatiko

HINDI dapat iasa calamity declaration ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsa­saka at mga magbababoy o hog raisers para maka­agapay sa mga kalamidad na tulad ng bagyo at mga sakit sa hayop.

Binigyang diin iyo ni Senador Imee Marcos, kasunod ng pagdinig ng Senate Committee of Whole sa epekto ng pagtataas ng importasyon ng karneng baboy sa harap ng patuloy na prehuwisyo ng African Swine Fever (ASF) sa local hog industry.

“Nganga ang mga lokal na magbababoy sa pagkaantala ng dagdag na ayuda na nakapaloob sa deklarasyon ng state of calamity. Huwag na nating hintayin pang mas maraming hog raiser ang magsara ng negosyo at bumagsak ang lokal na hog industry,” diin ni Marcos.

“Hindi pa rin nagdedeklara ng state of calamity ang gobyerno dahil sa ASF, sa kabila ng patuloy na pagkalat ng nakahahawang sakit ng hayop sa 12 rehiyon, 40 probinsiya, 466 lungsod at munisipalidad, gayondin sa 2,425 komunidad sa bansa, ayon na rin sa April 1 report ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations.

Ipinanukala ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill 883 ang “index-based insurance system” na ang anumang disaster declaration o assessment ng isang insurance company ay hindi na kinakailangan para mai­labas ang tulong-pinan­siyal sa mga magsasaka at mga magbababoy.

“Hindi na kailangan ng mga magsasaka na mag-apply ng insurance claim para makakuha ng ayuda katulad sa mga nakaga­wian o tradisyonal na sistema. Ang mga tulong pinansiyal ay awtomatiko nang ibibigay kapag sa una pa lang natukoy ang mga kondisyon ng panahon partikular ang ulan at hangin, o rami ng mga tinamaan ng sakit ng hayop na inaasahang mag­kakaroon ng outbreak,” paliwanag ni Marcos.

Nakapaloob sa nasabing panukala ang panawagan ni Marcos sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na paglikha ng “index-based insurance products” para mapalawak ang protek­siyon sa mga hindi inaa­sahang mga pangyayari, na tinutukoy sa Article 1174 ng Civil Code kabilang ang mga “acts of God” o mga gawa ng Diyos, mga natural na pangyayari, pati na rin mga kagagawan ng mga tao na tulad ng pagnanakaw, mga riot o gulo, mga welga, o giyera at mga pagbabawal ng gobyerno na maaaring mauwi sa mga kakapusan ng pagkain.

Dagdag ni Marcos, ang mas mabilis na ayudang maibibigay ng index-based system ay mas makahi­hikayat ng mas maraming magsasaka at magba­baboy na ma-insure ang kanilang mga alaga, mababa pa kasi sa 34% ng food producers sa bansa ang insured sa PCIC.

“Bukod diyan, hindi na matatakot ang mga mag­bababoy na agad i-report kaysa itago ang mga insi­dente ng animal diseases tulad ng ASF,” dagdag ni Marcos. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *