ANG suwerte ni Rachelle Alejandro, nagkukuwento siya sa social media, sinundo siya papunta sa vaccination center, Nagpabakuna siya ng Johnson and Johnson, na mas malaganap na ginagamit ngayon sa US at Canada dahil bihira raw ang masamang epekto, at saka single dose lang ang kailangan. Hindi na uulitin pa.
Nasa New York kasi si Rachelle. Suwerte iyong mga nasa abroad, eh dito sa atin gawang China na nga lang ang bakuna na wala pang kasiguruhan ang epekto, pahirapan pa. Lockdown pa. May sinasabi mang ayuda umasa ka pa? Noong nakaraang taon, may natanggap kami tatlong kilong bigas na may amoy, tatlong lata mg Toyo sardines, isang lata ng corned beef na CDO, dalawang sachet na kapeng 3 in1, at iyon ay isang taon na ang nakalipas. Mabuti rito sa Hataw binigyan kami ng 25 kilong bigas na mamahalin pa. Mabuti pa iyong kapitbahay ko, may trabaho may kotse, ang anak nag-aaral sa isang malaking kolehiyo, pero dalawang beses nakakuha ng SAP, at limang ulit daw na nahatiran ng groceries. Pero hindi na namin sinisisi, lahat naman halos ng opisyal ng barangay namin tinamaan na ng Covid, kami hindi.
HATAWAN
ni Ed de Leon