NOON ding araw, pagdating ng Mahal na Araw, maglalabasan na ang mga Tele-Sine na ginagawa ng grupo ni Leni Parto. Marami siyang mga tele-sine na religious ang tema, o kaya ay buhay ng mga santo. Marami rin kasing alam na kuwento si Leni, dahil taongsimbahan iyan kahit na noon.
Nang mawala na si Leni dahil kailangan niyang mag-retire ng maaga para maalagaan ang asawang may sakit, nawala na rin lahat ng Tele-sine.
Ngayon madalas din naming nakaka-chat si Leni, ibinubuhos na niya ang kanyang panahon sa mga gawaing pangsimbahan. Biyuda na rin siya, at malalaki na rin naman ang kanyang mga anak na may kanya-kanya na ring buhay. Pinili niyang mag-retire sa Ilocos, ”malayo na sa gulo ng showbusiness.”
Buhos ang panahon niya sa pagtulong sa mga pari.
Naghahanap siya ng pondo para sa charity. Iyon ang buhay niya ngayon.
Dati, si Leni bilang program manager, ang siyang gumawa sa IBC 13 bilang number one channel. Ang mga projects naman niya sa Channel 7 ang naging mga top rater. Sayang pero ngayon ay ayaw na niya. Gusto niya na ang buhay niya ay maging isang mahabang mahal na araw.
HATAWAN
ni Ed de Leon