MAHALAGA ang number 18 para kina Carla Abellana at Tom Rodriguez. ‘Yun ang number ng araw na naging boyfriend and girlfriend sila seven years ago.
Kaya naman sa engagement na inayos ni Tom para kay Carla, ‘yung date sa araw na number 18 ang pinili niya.
‘Yun nga lang, sa araw ng proposal, inamin ni Tom sa virtual interview nila ni Carla, nanginginig ang tuhod niya at may feeling na baka sumagot ng no ang fiance.
“Kinakabahan ako kaya nanginginig ang tuhod ko that day. Pumasok sa isip ko ‘yun (pagtanggi) pero thank God, hindi naman! Hehehe!” pahayag ni Tom.
Sa engagement na ‘yon, nailigaw ni Tom ang girlfriend na madalas mabuking ang mga sorpresa sa kanya.
Sa totoo lang, hindi love at first sight ang love story nina Tom at Carla. Una silang nagsama sa My Husband’s Lover with Dennis Trillo pero co-worker lang sila.
Nagkaroon ng show ang dalawa sa US pero wala pang serious involvement. Nang magsama sa movie at nagkasama uli sa GMA series na My Destiny, doon na nagkaroon ng spark sa kanila.
“Love at second glance siguro! Ha! Ha! Ha!” rason ni Tom.
Wala pang sinabi kung kailan ang church wedding dahil ayon kay Carla, strict ang regulasyon ngayong pandemic.
“We’ll see. Mahirap sa ngayon and we’ll really, really plan everything ‘pag maayos na ang lahat,” saad ni Carla.
Congratulations, Carla and Tom!
I-FLEX
ni Jun Nardo