AWANG-AWA na si Liza Soberano sa mga kababayan nating kailangang lumabas ng bahay at magtrabaho sa kabila ng panganib ng Covid-19. Kung hindi naman sila magtatrabaho at susugod sa peligro hindi nga sila mamamatay sa Covid, mamamatay naman sila sa gutom.
Ang sinasabi nga ni Liza, wala bang magagawa para tulungan ang mahihirap? Ang sagot diyan ay wala.
Hindi ba noong una may sinasabi pang social amelioration program o SAP? Ano ang nangyari, hindi ba naubos ang pondo sa SAP? Marami ang hindi nakatanggap at lumabas na naipit ang pondo sa bulsa ng kung sino-sino, tapos sasabihin, ”ayaw ko ng corruption.”
Mahirap din namang tumulong. Tingnan ninyo si Angel Locsin, tumulong. Tumulong siya sa lahat ng nangailangan, na red tag pa siya dahil may natulungan daw siyang mga rebelde. Mahirap iyan. Mapagbintangan ka ng ganyan maaari ka na lang damputin dahil sa anti-terror law.
Hindi ka rin naman makapagsabing ipagdarasal mo, ipinasara rin ang mga simbahan. Ano ang gagawin mo?
HATAWAN
ni Ed de Leon