Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
claudine barretto raymart santiago

Claudine muling binanatan si Raymart

DIRETSAHANG binanatan ni Claudine Barretto si Raymart Santiago dahil sinasabi nga niyang dalawang taon na raw iyong hindi nagpapadala ng sustento sa kanilang mga anak. Dalawang bata ang kinikilalang anak nila, ang una ay ang inampon ni Claudine na si Sabina bago pa man sila naging mag-asawa ni Raymart, at ang tunay nilang anak na si Santino.

Noong magkasundo sila matapos ang demandahang mahaba-haba rin naman, itinakda ng korte na magbibigay si Raymart ng sustentong P100k buwan-buwan para sa dalawang bata, pero ang naging basehan niyon ay ang kinikita ni Raymart noong panahong iyon.

Bumaba ang kita ni Raymart noong mawala na sa uso ang mga action picture at lalo pang walang kita noong pumasok ang pandemya, kaya hindi kami magtataka kung sabihin nga ni Raymart na hindi niya makakaya ang ganoon kalaking sustento sa ngayon.

Uminit lang naman ang ulo ni Claudine nang mabalita pang may relasyon na sina Raymart at Jodi Sta. Maria.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …