NATAWA kami roon sa post ni Marvin Agustin na nagtatanong, kailangan nga raw bang magpatupad na muli ng curfew? Pinipigil ang mga taong lumabas sa gabi, pero sa umaga naman daw gala nang gala ang maraming tao. Ang tanong nga ni Marvin ”iyon bang virus night shift.”
Biro lang iyan ni Marvin, pero kung iisipin mo may punto naman. Mukhang wala nang maisip na solusyon ang gobyerno laban sa Covid kundi lock down at curfew.
Siguro kaya dinadaan na lang sa biro ni Marvin ang kanyang pagka-desmaya dahil ang dami niyang restaurants at dahil sa problemang iyan ay hindi maihanap ng tamang kalutasan ng mga dating military officials na nagpapatakbo ng gobyerno na naluluging lahat, at tumitigil ang mga negosyante. Ngayon milyong Filipino na ang walang trabao dahil sa lock down.
May kinabukasan pa kaya tayo?
HATAWAN
ni Ed de Leon