Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea ‘di na igugupo ng anumang controversy; Movie kay Alden tiyak na maghi-hit

HINDI na affected si Bea Alonzo ng anumang, after all kung mayroon mang dapat na mag-damage control, hindi siya iyon. Busy siya ngayon dahil may ginagawa siyang pelikula na kasama si Alden Richards na sa tingin namin, napakalaki nga ng potentials.

Una, iyan ay isang co-production ng tatlong malalaking kompanya, iyong APTViva, at GMA 7.

Ibig sabihin pagdating sa promo, makukuha nila ang buong puwersa ng Eat Bulaga dahil sa APT. Hindi rin naman maikakaila na sa ngayon pinakamalakas na television network ang GMA dahil pinakamalakas ang power ng transmitter nila at off the air naman ang kalaban nilang ABS-CBN matapos na tanggalan ng franchise. Kopo na nila ang promo sa TV. Iyong Viva naman maraming outlet sa Facebook.

Suwerte ring leading man iyang si Alden. Isipin ninyo si Maine Mendoza na walang nakakikilala sumikat nang itambal kay Alden. Nang si Kathryn Bernardo ang itambal kay Alden, nakapag-rehistro sila ng biggest all time hit dahil ang pelikula nila ay kumita ng mahigit na P880-M.

Ngayon, iyang pelikula nila ni Bea, hindi namin inaasahang kikita ng mas malaki kaysa roon, pero tiyak na iyan ang magiging pinakamalaking hit ni Bea, at siguro mas malaki kaysa kinita ng AlDub.

Kaya siguro nga kung ang pag-uusapan ngayon ay ang stability ng career mukhang matibay na si Bea. At may nakaabang pa siyang proyekto sa Star Cinema na magtatambal naman sila ni John Lloyd Cruz oras na matapos na niyon ang experimental movie na kanyang ginagawa.

Para ngang masasabi na natin na si Bea ang makagagawa ng mga aarangkadang pelikula oras na magbukas na ang mga sinehan. Siguro naman hindi na lalala iyang kaso ng Covid, basta naisaksak na nilang lahat ang mga bakuna ng Sinovac. May mga duda kasing baka kaya sinasabi nilang tumataas dahil dumating na ang Sinovac, ayaw naman ng taong magpasaksak. Kung mababalita nga namang malala na naman ang Covid baka naman magpasaksak na sila kahit na Sinovac lang.

Bakit pa nga ba hahalo si Bea ngayon sa kanilang gulo, baka magamit pa siya sa kailangang-kailangan nila ngayong damage control.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …