Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia lalong nalagay sa alanganin (Sa pag-amin ni Gerald sa relasyon)

MUKHANG nagkamali sila ng basa sa mga indicator. Akala siguro nila dahil mahigit isang taon na naman nang magkaroon ng issue at ngayon nga ay nababalita na ring may iba nang nanliligaw kay Bea Alonzo ay “safe” na nga kung aminin man nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang matagal na nilang itinatagong relasyon. Hindi naman nila talaga naitago at kahit na anong pilit nilang ilihim iyon alam ng lahat na may relasyon sila. Hindi sila maingat eh. Wala nga silang picture na magkasama pero may mga picture na nagpapatunay na sila ay nasa isang lugar. Huwag din namang sasabihin na nakarating si Julia sa resort na pag-aari ni Gerald sa Botolan, Zambales nang hindi nila kasama si Budoy.

Palagay namin, hindi rin naplano ang pag-amin ni Gerald. Isipin ninyong doon mismo ay sinabi pa niyang napaka-toxic na kasi ng relasyon nila ni Bea noon. Dahil doon lalo tuloy naging underdog si Bea. Matapos ding umamin si Gerald, naglabasan na ang mga picture nilang dalawa ni Julia.

May nakalimutan din sila. Hindi siguro nila namamalayan na napakalakas na ng following ngayon ni Joshua Garcia. In fact mas sumikat siya noong mahiwalay kay Julia. Natural ang followers ni Joshua may reaksiyon din at natural na negatibo ang reaksiyon nila.

Mukhang tama nga ang naging obserbasyon ng iba na ”para silang gumawa ng sarili nilang hukay.”

Hindi maganda ang pagkaka-plano ng damage control. Diyan naman talagang mahina ang mga handler ng mga artist ngayon, Kasi sila mismo naniniwalang napakasikat ng mga alaga nila at basta tatanggapin ng publiko ano man ang sabihin nila. Noong panahon nina Nora Aunor at Vilma Santos, ano man ang sabihin nila iyon ang tinatanggap na katotohanan, pero sa panahong ito, lalo na’t marami nang pakialamero sa social media, hindi na ganoon.

Kung ang pagbabatayan ay ang reaksiyon sa social media, nag-boomerang pa kay Gerald ang kanyang statement, at walang dudang lalong nalagay sa alanganin si Julia. Hindi nabura sa issue, lalong lumutang iyong “ghosting.” Hindi kasi pinag-aralan muna eh.

Ang reaksiyon naman ng lehitimong media ay parang ”matagal na naming alam iyan.” Mukhang hindi rin maganda ang epekto niyong ang  pag-amin niya ay ginawa exclusively sa internet channel ni Boy Abunda na maski itayo o itiwarik man, alam na taga- ABS-CBN din. Eh ngayon umalis na rin sa ABS-CBN si Bea.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …