Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek at John Lloyd nag-rigodon na naman

USAP-USAPAN ang rigodon ng mga love affair ng ating mga artista. Kasunod iyan ng pag-amin nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na sila nga ay magsyota na ngayon. Sinasabi ni Derek na hindi karaniwang relasyon ang nabuo nila ni Ellen, pero ano man ang sabihin, magsyota na nga silang dalawa.

Nakagawa tuloy ng comparison ang fans. Sinasabi nila na naging syota ni Derek si Angelica Panganiban. Nag-live in sila ng halos limang taon. Pagkatapos niyon si Angelica ay na-link din kay John Lloyd Cruz.

Iyan namang si Ellen, naka-live in din ni John Lloyd at nagkaroon pa nga sila ng isang anak, si Elias Modesto, at ngayon iyon naman ang syota ni Derek.

Sinasabi nga lang nila na sana huwag talikuran ni Derek ang kanyang career kagaya ng nangyari kay John Lloyd. Tapos may kantiyaw pa sila, hindi raw kaya ligawan naman ngayon ni John Lloyd si Andrea Torres?

Hindi na tayo naninibago sa mga ganyang relasyon, kasi naman napakaliit ng showbusiness at ang mga tao rito sila-sila rin ang nagkikita. Kung nagkataon ngang pareho sila ng type, hindi nga malayong magkapalit-palit sila ng syota. Basta ba maliwanag lang na nang mabuo ang kanilang bagong relasyon, talagang wala na silang sabit sa iba. Ang mahirap lang ay iyong may syota pa iyong isa at susulutin naman ng isa. Pangit na iyon.

Pero kung nag-break na naman sila sa kung ano mang dahilan at talagang hiwalay na, ano nga ba ang issue kung ma-in love sila ulit kahit na kanino pa, basta wala na ring sabit ang liligawan nila. Ang hindi lang maganda ay iyong maliwanag na “ghosting” talaga.

Sa kaso naman nilang apat, marami nang naging lovers pareho sina Angelica at Ellen. Marami na rin namang naging syota sina John Lloyd at Derek, hindi na nakapagtataka iyang nangyaring iyan na nagkakapalitan sila ng mga syota at hindi naman masama iyon.

Kaya lang, sabi nga ng fans sana naman silang lahat ay makahanap na nga ng isang matibay na relasyon na masasabi ngang pang-habambuhay na. Sila naman ay nasa mga tamang edad na para lumagay sa tahimik.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …