Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen sa relasyon kay Derek: intense

ISANG kaibigan ni Derek Ramsey ang nagsabing sa ngayon ay talagang in-love na naman iyon kay Ellen Adarna. Si Ellen naman ay umamin na ang pagtitinginan nila ni Derek ay “intense.” Maliwanag na magsyota na nga silang dalawa, kaya pala nakipag-dinner na si Ellen kasama ang pamilya ni Derek, at pagkatapos ay magkasama pa silang dalawa sa Caliraya.

Pareho naman sila ng sitwasyon. Kabi-break lamang nina Derek at Andrea Torres at kahihiwalay lamang ni Ellen kay John Lloyd Cruz. Pero hindi naman masasabing nagkaroon ng “ghosting” dahil talagang hiwalay na nga sila sa kani-kanilang partners, bago naman sila mabilisang na-in love sa isa’t isa.

Pareho naman silang may tig-isang anak na lalaki. Si Derek sa dati niyang asawang si Christine Jolly at si Ellen naman sa dating live-in partner na si John Lloyd.

Kung iisipin mo, halos pareho nga ang itinakbo ng kanilang love life, kaya baka nga masabing sila ang magka-match talaga.

Pero nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon at napakahirap hulaan kung iyan nga ba ay magtatagal o hindi. Sino nga ba ang hindi nagsabing mukhang forever na noon sina Ellen at John Lloyd? Isipin ninyo, sa taas ng kanyang popularidad iniwan na ni John Lloyd ang kanyang career para magsama sila ni Ellen. Iisipin pa ba ninyong matatapos na lang iyon ng ganoon?

Talagang in love rin sina Derek at Andrea. Hindi man nila aminin, nag-live-in sila. Sina­sabi pa ni Derek noon na ipinasadya niya ang terrace sa kanyang bagong patayong bahay dahil iyon ang gusto ni Andrea, pero magkakahiwalay din pala silang dalawa at mauuwi lang sa wala ang lahat.

Paano mo ngayon huhulaan kung magtatagal sina Derek at Ellen kahit na sabihin pa nilang ang relasyon nila ay intense?

Pe­ro kung min­san, sina­sabi nga ring kung ano ang hindi mo inaasahan, iyon ang nagkakatuluyan. Kung kami naman ang tatanungin, sana nga magkatuluyan na sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …