Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko may ngiti Prima Donnas may Book 2 

NATUPAD ang kahilingan ng followers ng Kapuso afternoon drama na Prima Donnas dahil magkakaroon ito ng Book 2 this 2021!

Ang magandang balita ay inanunsiyo ng program manager ng series na si Redgynn Alba sa cast sa isang zoom meeting matapos ibahagi ang commendation ni Atty. Felipe L. Gozon sa program cast at sa bumubuo ng team Prima Donnas.

Dagdag ni Ms. Alba, ”I would like to officially announce to everyone that we are renewed for another season in 2021!”

Malungkot man si Aiko Melendez dahil sa pagpanaw ng stepfather niyang si Dan Castaneda, may ngiti pa rin sa kanya dahil sa pagbabalik sa ere ng Prima Donnas. Remember, sa finale ay nawindang ang manonood nang biglang dumilat ang mata ng character ni Aiko bilang Kendra, huh!

Anyway, nakikiramay kami kay Aiko at sa pamilyang naiwan ni Dan Castaneda.

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …