Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga napiling bida sa Voltes V kinukuwestiyon

KOMPLETO na ang lead cast ng local TV adaptation ng Japanese animation na Voltes V, ang Voltes V: Legacy.

Si Miguel Tanfelix ang gaganap na Steve na pinakalider ng grupo. Si Ysabel Ortega naman ang lalabas bilang Jamie.

Unang inanunsiyo ang Kapuso stars na sina Radson Flores, Matt Lozano, at child actor na si Raphael Landicho na bahagi rin ng coming series.

Ang susunod na aabangan ay ang main kontrabida ng serye.

Sa totoo lang, naabutan din namin ang orihinal na Voltes V. Natigil ito nang ma-ban sa pagpapalabas sa TV.

Bumalik ito kung hindi kami nagkakamali after mawala sa puwesto ang dating president  Ferdinand Marcos.

Ngayong may local adaptation na ito, siyempre, pawang baguhan ang mga bida except kay Miguel, maikukompara siyempre ito sa orihinal.

May kumuwestiyon din sa mga napiling bida. Pero alalahanin na ang ibebebenta sa Voltes V ay ang series mismo at hindi ang mga bida.

Classic na ito kaya kahit sinuman ang maging bida eh ‘yung kuwento at labanan ng mabuti at masama ang aabangan!

Aba, kung may Legal Wives ang dating ka-loveteam ni Miguel na si Bianca Umali, mayroon namang Voltes V si Miguel, huh!

Lusaw na talaga ang loveteam nina Bianca at Miguel dahil kanya-kanya na sila ng career path, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …