HINDI marahil alam ng singer-actress na si Agot Isidro last December 1, 2016 pa umeere ang magazine show na Byaheng Do30 sa GMA Regional TV channels sa Mindanao.
Si Davao City Mayor Sara Duterte ang host nito. Recipient ng Anak TV Seal at may special citation merit ang programa sa 42nd Catholic Masa Media Awards sa Best News Magazine category.
May headline na lumabas sa isang broadsheet at nagkomento si Agot tungkol dito. Devastating ang salita niyang ginamit mula sa isa niyang tweet sa Twitter.
Nang nag-check kami sa Twitter account ni Agot eh naka-private ito. Ibig sabihin, tanging mga follower lang niya ang puwedeng mag-access sa account niya.
Eh tila follower ng singer-actress ang broadsheet o ‘di kaya eh ‘yung konektado rito. Kaya naisapubliko ang twet niya.
Siyempre, binira si Agot ng supporters ng Duterte administration. Nakatanggap siya ng maaanghang na comments!
Nag-fact check sana muna si Agot tungkol sa programa. Laman ng programa ang plano ni Mayor Sara sa Davao City at walang planong political ang GMA kahit matunog ang balitang number one sa survey si Mayor Sara sa contenders sa 2022 presidential election, huh!
I-FLEX
ni Jun Nardo