SUMALANG agad si Glaiza de Castro sa promotions ng movie nila ni Jasmine Curtis-Smith na Midnight in A Perfect World na produced ng Epic Media at Globe Studios, ang producer ng Fan Girl na winner ng walong awards sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Kararating lang ni Glaiza mula sa Ireland na roon ginawa ang engagement niya sa Irish boyfriend na si David Rainey.
“Definitely not this year o next year ang kasal namin. Marami pang trabaho. Feeling ko siya na ang bigay sa akin ni Lord na makasama habang buhay,” saad ni Glaiza sa virtual mediacon ng movie.
Nagkaroon ng world premiere ang pelikula sa GC International Film Festival at ito ang highest grossing film.
Ayon sa director nitong si Dodo Dayao, ”It may be a Martial Law allegory but it is also a haunted house story. The house, our house is still haunted. The ghosts are very much here.”
Nakilala ang director sa ginawang pelikula na may political undertones. Bata pa siya noong madeklara ang Martial Law sa bansa. Swak ito sa kasalukuyang nangyayari sa atin dahil kung may curfew noon at umaaligid na military, ganyan din ang buhay natin na kailangang nasa loob ng bahay pagsapit ng curfew or else, kulong!
Isang buwan ang streaming worldwide ng Midnight on a Perfect World simula January 29 hanggang February 29 sa UPSTREAM.PH.
I-FLEX
ni Jun Nardo