INIULAT ng Ookla Speedtest Global Index ang impresibong 14-notch jump sa Philippines’ ranking sa mobile Internet connection speed.
Nagtala ang Filipinas ng average mobile Internet speed na 22.50 megabits per second (Mbps) noong Disyembre 2020 kompara sa 18.49 Mbps noong Nobyembre 2020.
Sa kabuuang 118 million tests na isinagawa sa buong bansa – kasama ang bawat regions, cities at municipalities – noong 2020, ang buwanang “increase in speed of 4 Mbps for mobile” mula Nobyembre hanggang Disyembre ay itinuring na pinakamataas sa lahat ng naging monthly increase mula noong Hulyo 2016.
Ang improvement na ito sa mobile internet connection ay nag-angat sa Filipinas sa nakaraang mga buwan tungo sa 29th mula 34th sa kabuuang 50 Asian countries at umangat din tungo sa 18th mula sa ranggong 22nd sa 46 Asia Pacific countries.
Bunga ito ng direktiba ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2020 na pabilisin ang pagkakaloob ng LGU permits kaugnay sa pagtatayo ng cellular towers.
Mula noon, kapansin-pansin ang ang pagdami ng issuance of permits mula Hulyo hanggang Disyembre 2020 kompara sa average monthly numbers ng permits na naisyu noong 2019.
Iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na noong 2019 ay 63 permits lamang ang monthly average na naipagkaloob sa Globe at may monthly average na 50 permits para sa Smart.
Malayo ang nasabing datos sa average monthly number of permits nito lamang Hulyo hanggang Disyembre 2020 – umangat sa 552.65% (348 permits) para sa Globe at 194.33% (97 permits) para sa Smart.
Dahil dito, higit na dumami ang bilang ng cellular towers – mula Hulyo hanggang Disyembre 2020 ay may kabuuang 2,939 karagdagang towers at physical sites ang naitayo.
Ang Filipinas ay may kabuuang 22,834 cellular tower/sites sa kasalukuyan – na ang Globe ay may 10,395; Smart ay may 10,079; at DITO ay may 2,360.
Puspusan rin ang pagtatayo ng fiber optic network ng telcos na may kabuuang 543,740 cable-kilometers ang naitayo na sa buong bansa.
Pinakamalawak ang Smart/PLDT na nakapagtayo nang may 429,270 cable – kilometers ng fiber optic – Globe ay may 67,414 cable-kilometers; Converge ay may 33,000; at DITO ay may 14,056.
Noong 2020 lamang ay may kabuuang 144,551 cable-kilometers of fiber optic ang naitayo – ang Smart/PLDT ay nakapagdagdag ng 106,914 cable -kilometers; ang Globe ay may 13,414; Converge ay 10,167; at DITO naman ay 14,056 cable-kilometers.
Ipinatutupad na rin ang Common Tower Policy upang mas mapabilis pa at matustusan ang mobile internet services ng bansa.
Inilinaw ng Globe na nakikipagtulungan sila sa paggamit ng 11 tower companies, samantala ang Smart ay nakipagkasundo sa iba pang siyam na tower companies.
Ilulunsad ang commercial operations ng DITO sa darating na Marso na nagtulak upang magdagdag ng kapital ang Globe at Smart.
Ang Globe ay naglaaan ng P90 bilyon; samantala ang Smart ay naglaan ng P92 bilyon para lamang sa 2021. Ito ang pinakamalaking kapital na inilaan ng dalawang telco sa nagdaang anim na taon.
Desidido ang DITO kung kaya ito ay gumastos ng P150 bilyong kapital noong 2020.
Inatasan ng NTC ang lahat ng telco na magsumite ng kani-kanilang roll-out plan para sa taong 2021 nitong 20 Enero.
Magbibigay-daan ito sa NTC upang mai-monitor ang progress ng mga telco sa higit pang pagpapabilis ng internet speed.
Nakahanda rin ang komisyon na tulungan ang mga telco sa anumang pangangailangan nito upang masiguro ang maayos na implementasyon ng mga rollout plan sa taong ito.