NGAYONG Disyembre bukod sa lamig na dulot ng panahon, sumasalit-salit pa ang hanging Amihan na may dalang ampiyas ng ulan.
Kaya hindi kataka-taka na marami ang sinisipon at inuubo-ubo. ‘Yung iba nga ninerbiyos na baka tamaan sila ng coronavirus.
Isa lang naman ang sinasabi natin kapag ganitong panahon: panatilihing mainit ang inyong mga katawan.
Sa paanong paraan?
Una sa pagpili ng pagkain batay sa lugar kung nasaan kayong madalas.
Siyempre, kapag malamig ang panahon kailangang mainit ang inyong mga kinakain.
Piliin ang mga prutas na magbibugay ng init sa inyong katawan at hindi ‘yung malalamig.
Bukod diyan, huwag kalimutang maghaplos ng Krystall Herbal Oil, malaking tulong ‘yan. Ganoon din ng Krystall Nature Herbs na hindi lang init kundi nababalanse pa ang lamig at init sa inyong katawan.
Karagdagang bitamina gaya ng Krystal B Complex na magsusustina ng inyong kalusugan.
At dahil Pasko ngayon, ingat sa mga pagkaing mabilis ‘magpabata.’
Salubungin natin ang Bagong Taon nang may maayos na kalusugan.
Merry Christmas and Happy New Year to all!
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong