Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Lorilie Amboquio, 38 years old, taga-Murphy, Cubao, Quezon City.
Dahil po sa pandemic, ang trabaho ko dati sa call center ay naging work from home (WFH). Natuwa naman ako kasi nga hindi na ako mai-expose sa mga posibleng panganib na mahawa ng CoVid-19.
Heto naman po ang naging problema ko, dahil sa gabi ako nagtatrabaho, hindi ko namalayan na ang napuwestohan ko pala sa sala namin ay maraming lamok.
Kinabukasan po, ang dami kong kagat ng lamok sa binti. Ang sagwa tingnan bukod pa sa napakakating masyado.
Bigla ko pong naalala na noong nagsimba ako sa Baclaran, nakabili ako ng Krystall Herbal Oil. Hindi po kasi kami nagpapawala nito sa bahay dahil malaking tulong talaga lalo sa emergency cases. Napakahusay na katulong sa pang-unang lunas sa panahon nga po ng mga emergency.
Agad ko pong nilagyan ng Krystall Herbal Oil ang mga kagat ng lamok sa aking binti. Unti-unti po naramdaman ko, nawawala ang pangangati. Sa unang tatlong araw po ay makikita rin ang mapupula at maiitim na marka ng kagat ng lamok pero habang lumalaon ay unti-unti rin ‘nabubura’ ng Krystall Herbal Oil ang ‘peklat’ o markang iniwan ng kagat ng lamok.
Maraming-maraming salamat po talaga Sis Fely Guy Ong.
Napakalaking tulong po ng inyong mga imbensiyon sa aming pang-araw-araw na buhay.
Sumasainyo,
LORILIE AMBOQUIO
Cubao, Quezon City