Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babae gumasta ng US$120,000 o P6-M para sa tattoo (Puting mata ginawang asul, dila hinati sa gitna)

Kinalap ni Tracy Cabrera                      

ISANG babae sa Australia ang gumasta ng US$120,000 o katumbas na P6 milyon para sa body modifications upang magbagong-anyo mula sa isang blond-haired teen patungong “blue eyes white dragon.”

Ibinahagi ng 25-anyos na si Amber Luke sa kanyang selfie sa Instagram Stories sa ilalim ng caption na — “body modification is the ultimate form of self-expression” — ang kanyang karanasan makaraang sumailalim sa masakit na pagpapa-tattoo ng kanyang katawan at pagbabago sa kanyang hitsura, kabilang ang breast augmentation at butt enhancement.

Bukod sa mga tattoo at pagpapaganda ng kanyang pigura, ipinahati rin ni Luke ang kanyang dila na animo’y dila ng isang ahas at may tattoo rin siya sa labi, modified na tainga at debuho sa halos buong katawan maging sa kanyang sclera o puti ng kanyang mga mata na ngayo’y kulay asul na.

Mayroong mahigit 45,000 followers si Luke sa Instagram, kabilang ang kanyang mga fans na regular na naglalagay ng kanilang mga komento sa kanyang ‘comment box’ na may fire emojis.

“Amazing you’re a work of art!” wika ng isang follower sa kanyang post kamakailan. “Mega legendary creature,” sabi pa ng isa.

Habang popular sa ilan ang mga body modification, nagbabala ang mga eksperto na maaaring maging panganib ito sa kalusugan.

“Surgery is a challenge for the healthiest of patients,” punto ni Dr. Edward S. Lee, associate professor of surgery sa Rutgers New Jersey Medical School.

“A larger body contouring operation, like having breasts done…we compare that to running a marathon. You need several months to recover.”

Maingat din naman si Luke sa sinasabing mga extreme body modification, tulad nga ng paghiwa sa kanyang dila. Aniya, “aesthetic and function aside, the people who are doing it are usually not licensed practitioners. The materials you are using are questionable in terms of sterility. Also, the tongue does bleed quite a lot.”

At kahit mga ordinaryong tattoo ay mayroon din panganib mula sa mga communicable disease, tulad ng HIV at hepatitis C, kapag ginawa ito ng nasa labas ng sterile environment, pahayag ni Dr. Gary Goldenberg, assistant clinical professor of dermatology sa Icahn School of Medicine sa Mount Sinai sa New York City.

“Other concerns are infections, such as staph,” he says.

Idinagdag din ni Goldenberg na kung minsan ay nagbabago rin ang mga tattoo.

“Some tattoos can fade with time. As the skin ages, it becomes more wrinkly and loose, potentially changing or distorting the way the tattoo looks,” aniya.

Partikular na delikado ang mga sclera tattoo, paalala ni Vivian Shibayama, optometrist sa UCLA Health.

“Whitening the whites of your eyes is extremely dangerous. It involves removing a thin surface of the eye called the conjunctiva, which protects the ocular surface. It could lead to infection, perforation and blindness,” ani Shibayama kasabay ng pagpayong: “Don’t do it.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …