Monday , December 23 2024

Ordinaryong ‘nanay’ sa IATF-EID kailangan

HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na seryosong ikonsidera ang pagtatalaga ng isang ‘nanay’ na ordinaryong maybahay sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) o magtayo ng special committee na pamumunuan niya para suriin ang epekto ng CoVid-19 sa mga kababaihan.

“Ang bagong paraan ng ‘blended education’ ay kapwa matinding hamon sa mga sistema sa eskuwe­lahan at mga pamilya. Ang ‘nanay’ ang sentro o pumapagitna sa lahat. Napakaraming malulu­pit at iba’t ibang epekto ng pandemya sa mga kababaihan,” ayon kay Marcos.

“Kailangan natin ng isang maabilidad na nanay para maka­agapay sa pandemya. Ang isang programang pautang para sa tablet o ang suporta para sa hulugan na mga gadget ang maiisip na remedyo kung may nanay na nakaupo sa IATF,” giit ni Marcos.

“Ang isang nanay ay nakapaglagay na sana ng mga community-based tutoring pools para hawakan ang maliliit na grupo ng mga bata o kaya’y bubuksan ang mga kalsada at mga auditorium at mas maraming handwashing facility para magamit ng mga pamilya. Pero sa halip, inaaresto natin ang mga tao dahil sa pag­labag sa mga quarantine. Saang lugar sila ihihiwalay sa masikip at depressed area?” tanong ni Marcos.

Mas napaigting ng pandemya ang tagong diskriminasyon sa mga babae at sa kawalan ng mga panuntunan para makatutulong sa kanila, punto ni Marcos.

“Hindi masusukat ang pagbubuwis ng kalusugan ng  mga health worker, na 70% sa kanila’y mga babae,” ani Marcos, na nagsabi pang ginagampanan na rin ng mga babae ang papel ng caregivers na walang katapat na kabayaran kapag nagkaroon ng kapansanan o malalang sakit ang sinoman sa miyembro ng kanilang pamilya.

Dagdag ni Marcos, ang mas mahabang oras ng mga palengke at mas maraming rolling stores ang magbibigay sa mga kababaihan, lalo ang mga single na nanay, ng sapat na oras at panahon para asika­sohin ang trabaho, gawain sa bahay at pag-aalaga sa anak.

Bagamat kinikilala sa buong mundo ang potensiyal na kaka­yahang pang-ekonomiya ng mga kababaihan sa micro-businesses at MSEs, iginiit ni Marcos na napipigilan pa rin ito ng limitadong access sa mga programang pautang, dahil kadalasan sa mga titulo ng ari-arian na kailangan bilang collateral ay nakapangalan sa kanilang asawa.

Ang isang nanay na nasa IATF ay mas magiging abala sa mga opisyal na ulat na may kaugnayan sa mga kababaihan, halimbawa ang nilabas na impor­ma­syon ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang  bilang ng karahasan sa mga kababaihan at kabataan.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *