Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Mag-asawang pinapak ng insekto bumilib sa bisa ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Sharon Candelabra, 45 years old, taga-San Jose del Monte, Bulacan.

Ngayon pong panahon ng pandemya, nawalan ng trabaho ang mister ko. Umasa lang po kami sa tulong ng barangay namin.

Hindi po kami nakakuha ng SAP, ewan namin kung bakit.

Pero imbes magmakaawa sa mga taga-DSWD ang ginawa na lang po namin ay nagtanim kami ng mga gulay na madaling anihin para may makain kami.

Nagtanim po kami ng talbos ng kamote, kangkong, okra, talong, ampalaya at iba pang madaling tumubo at kainin.

Nag-alaga rin po kami ng manok na 45 days para makakain kami ng karne. Tapos po, humango rin kami ng tuyo, dilis, bagoong at tinapa.

Kahit palakad-lakad lang po, alok-alok lang sa kapitbahay kumita rin po kami. Pero marami pa rin kaming bayarin kaya naghanap pa kami ng ibang pagkakakitaan.

Naisip po namin ‘yung mga halaman kasi ang dami po namin nakikita dito lalo sa tabing ilog at creek. ‘Yung mga mamahaling halaman na malalapad ang dahon. Ang dami po naming nakuha at naitanim na rin namin sa mga recycle na gallon at plastic.

Marami pong bumili kaya kumita rin kami kahit paano, kaya lang po kinagat po kami ng mga insekto, grabe ang kati, kahit iniligo na namin.

Bigla ko pong naalala ‘yung Krystall Herbal Oil na nabili ko sa Baclaran. Pagkatapos ko pong maligo, kumuha ako ng bulak at pinahiran ko ng Krystall Herbal Oil ang mga pantal at kagat ng insekto. Nakatulog po ako ng payapa at nawala ang pangangati sa katawan. Ganoon din po ang asawa ko.

Kinabukasan po, aba, parang nagdahilan lang, nawala lahat ang pantal at ang kagat ng insekto ay biglang naghilom.

Miracle oil po talaga.

Maraming salamat po Sis Fely Guy Ong at mabuhay po kayo.

Ang inyong tagasubaybay,
SHARON CANDELABRA
San Jose del Monte, Bulacan

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …