Friday , December 27 2024

Military camps papasukin ng 3rd telco (Sa pagtatayo ng cell sites)

 NAGMUMUKHANG give-away ang seguridad ng bansa kapag tuluyang pinayagan ng national government ang pagtatayo ng China-backed 3rd telco ng cell sites sa mga kampo at military bases sa buong bansa.

Mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay umamin na marami silang identified security threats sa communication systems — base sa kanilang telco agreements.

Pag-aari umano ng Chinese government ang China Telecom (Chinatel), na nagmamay-ari ng 40% ng Dito Telecommunity.

Base umano sa Chinese law inuutusan nito ang kanilang mga kompanyang pag-aari – gaya ng Chinatel – to provide intelligence pabor sa kanilang pamahalaan.

At kahit minor stakeholder lang naman daw ang Chinatel is a sa Dito, isang consortium na kinabibilangan ng Davao-based businessman na si Dennis Uy, ang may-ari ng  Udenna Corporation and Chelsea Logistics, ang nasabing Chinese company ang magtatayo ng communication infrastructure ng 3rd telco sa buong bansa, at naturalmente kasama sila sa daily operations.

Kaya ‘yung mga equipment ng Dito na ilalagay sa loob ng military properties, at mga personnel na magse-set up nito ay may koneksiyon sa Chinatel.

Base sa lumabas na co-location contracts risk analysis ng AFP sa 3 telcos kaugnay ng security risks, inamin mismo ng military there’s no real assurance of protection against spying or data theft.

Ang nasabing kontrata ay nilagdaan nina AFP J6 chief Major General Adrian Sanchez, Jr., at dating AFP chief of staff general Benjamin Madrigal, Jr.,  bilang kinatawan ng militar. Si Dito chief administrative officer Adel Tamano naman ang lumagda para sa telco.

Hindi pa ito nilalagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hihintayin daw muna niya ang ‘go signal ng Senado.

Sa kasalukuyan, may existing infrastructure ang Globe at Smart sa loob ng military camps and bases natin. At kung maaprobahan ng senado, ang magiging impraestruktura ng Dito ay gaya rin sa dalawang telco.

Ang pagkakaiba lang nga nito, pasok sa Dito ang China government.

Mismong ang AFP J6, tinukoy na ang existing wireless communication system nila ay hindi siguradong protektado sa interception.

Ang AFP Fixed Communication System (AFP-FCS) – isang  fixed-station microwave network ang nagdurugtong sa military camps and bases nationwide.

Umaasa umano ito sa line-of-sight signals na ipinapasa sa free space. Ang tawag ng military dito ay “main communication backbone.

Base sa nasabing sistema, ang AFP High-Frequency Radio Voice and Data Communication System (AFP-HF) – ang umano’y nagpo-provide ng “communication linkages within and between military forces over considerable distances usually deployed in tactical applications.”

Nagsisilbi rin itong alternate communication system para sa operational headquarters, at back-up para sa General Headquarters, sa AFP Command Center, at sa Major Services Operation Centers.

Klaro rin sa risk analysis ng AFP, bawat sistema ay may mga kahinaan, at ang AFP-FCS at ang AFP-HF ay laging walang proteksiyon sa tinatawag nilang ‘lihim na pakikinig’ o paniniktik, at intersepsiyon o panghaharang sa signal o inihahatid na mensahe sa kinauukulan.

Ganito raw po ang pagkakaiba ng dalawa: 1) Eavesdropping is when a third party listens in on communication through a device embedded in the system, or in the case of radio communication, by tuning into the frequency or channel of the transmission; 2) Interception is when a third party cuts in on transmitted communication through a device placed in the path of the transmission airwaves.

Hindi rin daw ligtas sa (signal) jamming ang AFP-HF. Maging ang microwave signals ay maari rin umanong maharang, kaya ang AFP-FCS ay hindi rin ligtas sa mga kahinaang gaya nito.

        Lahat ng kahinaan ng sistema ay nanatili ano man ang katatayuan ng telco equipment.

Binibigyang diin umano ng AFP risk analysis na lahat ng kahinaang nabanggit ay maaaring samantalahin ng telcos — kaya ang ‘banta’ ay nanatili at hindi kayang palisin — lalo kung ang nasabing isyu ay maikakabit sa panghihinasok ng China.

        Saang anggulo man natin tingnan, masasabi nating may kaburaraan sa seguridad ng bansa kung magiging pantay ang karapatan ng 3rd telco na may sapi ang Chinatel ng China, sa dalawang existing na pribadong Telco, ang Globe at Smart.

        Ang ipinagtataka lang natin, kung may mga ganitong pag-aaral o risk analysis ang AFP, bakit kailangan pang hintayin ni Secretary Lorenzana ang desisyon ng senado?! Hindi ba’t siya bilang Defense Secretary ay maaaring igiit na mapanganib ang nasabing kaburaraan sa seguridad para sa isang bansang, sabi nga ni Pangulong Rodrigo Duterte’ ay hindi kayang tapatan ang sandatahang lakas ng China.

        Hindi naman kaya sobrang give-away na ‘yan?!

        Bibilis nga ang internet natin, pero baka naman mas mabilis pa ang ‘paniniktik’ at ‘intersepsiyon’ ng mga ‘super powers’ na ayaw tantanan ang Filipinas.

        Maliban sa Dito, wala na bang ibang telco na puwedeng lumahok nang hindi nanganganib na ma-expose sa ‘super powers’ ang seguridad ng Filipinas?!

        Help!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *