Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kagat ng lamok hindi nagsugat, maging peklat ay binura ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po ay isang sari-sari store owner dito sa Calumpit, Bulacan.

Dati po ay nakatira kami sa kabilang barangay pero lumipat kami dahil nakatatakot kapag tag-ulan. Tumataas ang tubig at grabe ang bahang nararanasan namin.

Dito po sa tinitirahan namin sa kabilang barangay, nakapagtayo po ako ng sari-sari store para kumita kahit paano sa maghapon. Hindi po kami inaabot ng baha rito pero maraming lamok.

Kaya naman po, hindi kami nagpapaabot ng alas-otso ng gabi’t nagsisipasok na kami sa kulambo at kontodo ang ikot ng electric fan para huwag kaming kagatin ng lamok.

Mabuti na lamang at may remote control ang TV namin kaya nakakapanood kami ng palabas na gusto namin kahit nasa loob ng kulambo.

Kaya minsan nakatutulog kami na hindi napapatay ang TV. ‘Pag nagising na lang ulit saka pipindutin ang remote control para i-off ang TV.

Pero minsan, hindi ko napansin na napagilid akong masyado sa kulambo ganoon rin ang isang apo ko. Kinabukasan paggising namin, nakupo, grabe ang kagat ng lamok sa balikat ko at sa hita naman ng isang apo ko.

Agad ko pong pinahiran at hinaplos-haplos ng Krystall Herbal Oil ang mga kagat ng lamok sa braso ko at sa binti ng apo ko.

Inulit ko ang paghaplos pagkatapos namin maligo. Bandang hapon napansin ko na-flat ang mga butlig, walang kakati-kati. Bago matulog, muli kaming naghaplas ng Krystall Herbal Oil.

Pagkagising namin kinabukasan , ako’y manghang-mangha, wala man lang bakas ng kagat ng lamok. Ibang klase po talaga ng Krytall Herbal Oil!

Sis Fely, nawa’y patuloy kayong biyayaan ng karunungan ng Diyos dahil sa mga imbensiyon ninyong malaking tulong sa mga tao.

Lubos na nagpapasalamat,
PERLA DE JESUS
Calumpit, Bulacan

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …