Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Massage therapist wagi sa Krystall Herbal Oil at Nature Herbs ng FGO  

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Isa po akong massage therapist. At dahil sa pandemyang COVID-19, nagsara ang aming massage parlor sa Binondo.

        Katakot-takot po ang pag-iingat na ginagawa ko dahil alam ko maraming umaasa sa mga haplos at diin ko para mabalanse ang kalusugan ng aking mga regular na kliyente.

        Mula po nang magsara ang aming massage parlor, marami ang tumatawag para magpa-service sa kanilang bahay pero nag-aalala din ako kasi nga sa kalagayan ngayon na may pandemya.

        Kaya ang madalas ko lang napupuntahan ay ‘yung mga kilala ko talaga at ‘yung wala akong nababalitaang may matinding karamdaman sa katawan.

        Pero isang beses po, nakaramdam ako ng pangangati ng lalamunan pero wala naman akong lagnat at hindi naman nanghihina o nawawalan ng panlasa sa pagkain.

        Agad po akong nagmumog ng maligamgam na tubig na may asin at uminom ng mainit na Krystall Nature Herbs. Pagkatapos po ay naligo muna ako. Pagkatapos kong maligo ay muli akong humigop ng mainit na Nature Herbs habang hinahaplos ng Krystall Herbal Oil ang aking lalamunan, batok, likod hanggang sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

        Habang hinahaplos ko po ang aking katawan ay guminhawa ang aking pakiramdam hanggang makatulog ako.

        Paggising ko po kinaumagahan, aba, napakagaan ng aking pakiramdam at nawala ang pangangati ng aking lalamunan.

        Nagpapasalamat po ako nang marami dahil napanatag ang loob ko na hindi ako nahawa ng COVID-19.

        Kaya ngayon po, tuloy ang paghaplos-haplos ko pero foot massage lang muna with proper face mask and hand gloves para sigurado kami ng aking mga kliyente.        

        Maraming salamat Sis Fely Guy Ong, dahil hanggang sa pagbibigay ng proteksiyon laban sa COVID-19 ay malaking tulong ang inyong Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs.

        Patnubayan po kayo lagi ng Panginoong Diyos.

 

Suking-suki ng FGO,

TITA ANGIE

Binondo, Manila

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …