SA ika-70 anibersaryo ng GMA, marami silang projects na mapapanood na ng publiko, ito’y kasabay ng paglulunsad ng kanilang Digital Terrestrial Television (DTT) receiver o ‘yung tinatawag na GMA Affordabox.
Ayon kay Atty. Felipe Gozon, GMA Network Chairman at CEO, ng GMA Affordabox ay ginawa para mas accessible sa milyong Filipino.
Aniya pa, “In celebration of this milestone of reaching seven colorful decades in the industry, we are offering the high-quality and affordable digital TV receiver GMA Affordabox.”
Ang GMA Affordabox ay isang plug and play device na madaling ikonekta sa isang analog TV para makatanggap ng digital television broadcast.
Dahil dito, maaari nang makapanood ang sinumang may affordabox ng GMA, GMA News TV, at ang pinakahihintay na Heart of Asia sa digital display, gayundin ang iba pang free-to-air digital TV channels na available sa kanilang lugar.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales