BAKIT kaya kinukuwestiyon ang pagtulong ni Angel Locsin sa mga kababayang nakararanas ng Covid-19?
Maging ang mga frontliner ay tinutulungan ng aktres. Tinulungan din niya ang mga nagprotestang jeepney driver na ang tanging hangad ay kumita ng kaunti para maipakain sa pamilya.
Sobra-sobra kung tumulong si Angel kaya’t nakalulungkot na binabato pa siya ng kung ano-anong masasakit na salita.
Kaya tantanan si Angel dahil ‘yang mga kuda ng kuda ay wala man lang naitutulong ni isang kusing.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com