Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
deped Digital education online learning

Digital technology sa DepEd isinusulong

HABANG naghahanda ang sektor ng edukasyon sa tinaguriang ‘new normal’ isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas malawakang paggamit ng Department of Education (DepEd) ng digital technology upang  gawing mas mabisa at mabilis ang mga serbisyo at sistema ng kagawaran.

 

Layon na mapabilis ng makabagong teknolohiya ang mga proseso tulad ng enrolment, payment services, pagsusumite ng mga grado, at mga pagpupulong ng mga guro at magulang.

 

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1565 o Education in the New Normal Act na panukala ni Gatchalian, pabibilisan ang paglalagay ng libreng wi-fi sa mga pampublikong lugar tulad ng mga paaralan alinsunod sa Republic Act No. 10929 o ang “Free Internet Access in Public Places Act.”

Ayon kay Gatchalian, makatutulong ito sa distance learning upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng mga sakuna at kalamidad.

 

Bukod sa pagbibigay ng mas mabilis at mabisang serbisyo, layunin din ng isinusulong na digital transformation ang automation at digitization upang maitaguyod ang zero-contact policy at masunod ang social distancing.

 

Layunin din ng naturang batas ang pagkakaroon ng mga sistema para sa mabilis na pagbabahagi ng datos sa pagitan ng mga tanggapan ng DepEd, mga mag-aaral, at mga magulang.

 

Sasailalim sa training ang mga guro at kawani ng DepEd para sa pagpapatupad ng digital transformation.

 

Sa pagpapatupad ng mga pagbabagong ito, kinakailangan ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa Department of Science and Technology (DOST), sa Department of Information and Communications Technology (DICT), at mga katuwang sa pribadong sektor.

 

Ayon kay DepEd Undersecretary Jess Mateo, nagsimula nang makipag-uganayan ang kagawaran sa telecommunications companies.

 

Ayon kay Gatchalian, ang pagpapalakas sa mga sistema ng information and communications technology (ICT) ay mahalaga sa pagbangon ng sistema ng edukasyon mula sa naging epekto ng COVID-19.

 

Mahalaga aniyang matuldukan ang ‘digital divide’ o hindi pagkakapantay-pantay sa pag-access ng mga teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon, upang walang mapag-iwanang kabataan sa pagkakaroon ng dekalidad at makabagong edukasyon.

 

Ayon sa DepEd, mahigit 16.7 milyon sa 22 milyong mag-aaral ang pumapasok sa mga pampublikong paaralang may internet.

 

Halos 48 porsiyento o mahigit 22,645 sa 47,013 pampublikong paaralan ang may internet.

 

“Nais nating paigtingin ang paggamit ng teknolohiya sa pagpapatuloy ng edukasyon habang pinapanatili ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, guro, magulang, at kawani ng mga paaralan. Kailangang siguruhin natin na ang mga teknolohiyang ito ay abot-kamay ng bawat guro at mag-aaral upang masiguro nating wala sa kanilang mapag-iiwanan,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Commitee on Basic Education, Arts and Culture.

 

Sa Bayanihan to Recover As One Act (Senate Bill No. 1564) o Bayanihan 2.0, isinulong din ni Gatchalian ang pagkakaroon ng microloans sa mga paaralan at mga magulang upang makabili sila ng mga gadgets para sa blended learning.

 

Sa kabila ng kanyang pagsusulong sa paggamit ng internet sa edukasyon, inilinaw niyang mahalaga ang papel ng telebisyon, radyo, at mga printed materials para sa darating na pasukan, lalo para sa mga mag-aaral na walang internet. (CYNTHIA MARTIN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …