Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bitak sa paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Magandang araw po sa inyo. Ako sa Mariafe, taga-San Jose del Monte, Bulacan. Isa ako sa inyong mga tagatangkilik at ilang beses nang napatunayan ang galing ng Krystall Herbal products sa aming araw-araw na pamumuhay.

Sa pagkagising pa lang, ginagamit ko na ang Krystall Herbal Oil. Inihahaplos ko ito sa buong katawan bago maligo. Proteksiyon ko iyon para huwag masyadong ma-absorb ng aking balat ang mga kemikal mula sa sabon na ginagamit ko.

Pero mas madalas inihahaplos ko ito bago matulog sa gabi. Kasi narerelaks akong mabuti.     Pero minsan, natukasan ko na nakapagpapahilom din pala ng mga bitak sa paa ang Krystall Herbal Oil.

Matagal ko rin ipinag-aalala ang mga bitak sa aking talampakan, minsan sinubukan kong ipahid sa aking mga paa pagkatapos maligo at pagkalinis ng paa bago matulog sa gabi ang Krystall Herbal Oil.

Kinaumagahan, nagulat ako ‘pag hawak ko sa paa ko, lumambot ang mga bahaging may bitak tapos napansin ko, unti-unting naghihilom.

Isang linggo ko lang ginawa iyon araw-araw, hanggang tuluyang naghilom ang mga bitak sa paa ko. Napakahusay talaga ng inyong Krystall Herbal Oil, Sis Fely Guy Ong.

Maraming salamat sa inyong patuloy na paglikha  ng mga produktong malaki ang naitutulong sa aming kalusugan.

 

Nagpapasalamat,

 

MARIAFE VERE

San Jose del Monte,

Bulacan

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …