Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi, tuloy ang paghahanda ng relief goods (kahit naka-self-quarantine)

MAY nagtatanong, bakit daw sa panahong ito ay hindi visible si Congresswoman Vilma Santos, eh kailangan pa naman ng mga tao ang tulong ng gobyerno, samantalang noong pumutok ang Taal, takbo agad siya sa mga barangay hindi lang sa Lipa kundi sa buong Batangas para magbigay ng tulong. Naubusan na ba ng resources si Ate Vi dahil sa dalawang magkasunod na disaster?

 

Ito ngayon ang totoong sitwasyon ha, iyong pagputok ng Taal, ibang klase iyon. Natural na kalamidad iyon. Itong Covid-19 ang kalaban mo, at ang utos self-quarantine, lalo na nga iyong mga sinasabi nilang immune compromised, ibig sabihin iyong hindi na ganoon kalakas ang katawan. Nitong mga nakaraang buwan, naging masasakitin si Ate Vi, sobrang pagod pa kasi dahil sa Taal, kaya ngayon malaking sugal kung lalabas pa siya ng bahay.

 

Pero sa kanyang bahay, patuloy ang paghahanda ng relief goods, na ipinamamahagi sa pamamagitan ng local government. Sa ngayon kasi mayroon ding sistema, local government ang concerned kaya si Ate Vi, nakasuporta na lang muna kay Mayor Eric Africa.

 

Maliwanag ba?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …