Tuesday , May 13 2025

Upgrade nakipagrakrakan kay Ely Buendia at sa Kamikazee

MULING umaarangkada ang career ng grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Miggy, Rhem, Casey, Armond, JV, Mark, Ivan , Earl, Joshua, Hanz, Prince, at Raymond dahil sunod-sunod ang kanilang shows ngayong taon dito at sa ‘Pinas at sa ibang basa.

Bukod sa kanilang regular  guestings sa Umagang Kay Ganda at Unang Hirit ay kabila’t kanan ang show nila, na noong March 02  ay nasa Tarlac ang UPGRADE para sa Kanlahi Festival sa Maria Christina Park, na nakasama nila sina Ely Buendia, Kamikazee, Urbandub, Hashtag Niko, Kim Rodriguez, Ana Ramsey, at SexBomb New Gen, Pricetag, at JP Bacalla hosted by Papa Jepoy Papa Churlz. Habang  sina Casey, Armond, Ivan, at Mark ay nasa Japan para sa tatlong buwang shows doon.

Maaalalang unang napanood ang Upgrade sa defunct show ni yumaong Kuya Germs na Walang Tulugan with the Mastershowman at sumikat nang mag-viral ang kanilang video na Twerk It Like Miley na pumalo na sa 8 Million views sa Youtube at doon nagkasunod-sunod ang kanilang projects mula sa sandamakmak na endorsements, guestings, at album.

At ngayong 2020 ay sunod-sunod nga ang proyektong gagawin ng UPGRADE. Magkakaroon sila ng concerts, mall shows, endorsemenrs, at single.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *