HINDI halos namalayan ang balita tungkol sa panganganak ni Anne Curtis sa isang ospital sa Melbourne, Australia dahil nasabay iyon sa isang hostage taking na tumagal ng 10 oras sa Greenhills. Dati madalas kami sa mall na iyon, paborito namin ang isang Chinese restaurant doon, iyong Shin Ton Yon. Ngayon lang tinatamad kaming magpunta sa Greenhills dahil sa traffic at doon sa Covid19 scare, ngayon ang isang katatakutan mo pa, baka kumakain ka lang maging hostage ka pa.
Alam na rin naman ng lahat iyon eh, babae ang naging anak ni Anne. Tiyak iyon, Australian citizen din ang bata dahil doon ipinanganak, at sa batas nila sinusunod ang prinsipyong “jus soli”, basta roon ka ipinanganak, citizen ka nila. Kailan naman kaya iuuwi ni Anne sa Pilipinas ang anak niya?
HATAWAN
ni Ed de Leon