Monday , May 12 2025

Lorna, ayaw nang ma-in love

WALA nang balak ma-in love pang muli at magkaroon ng panibagong lalaki sa buhay  ang Grandslam Queen na si Lorna Tolentino.

Kuwento nito sa mediacon ng pagre-renew ng kontrata for another year sa Beautederm bilang ambassador, marami ang nagpaparamdam sa kanya, pero sinasabi niya sa mga ito na wala na talaga siyang balak na ma-in-love pang muli.

Kuntento  na siya sa pagmamahal na nakukuha sa kanyang mga kaibigan at mga anak at ibinibuhos niya ang pagmamahal sa kanyang apo.

Pero aminado ito na nami-miss niya ang kanyang yumaong esposo na si Rudy Fernandez lalo na ngayon at nagpaplano na sila ng kanyang mga anak na magkaroon ng division ang kanilang bahay para magkaroon sila ng kanya-kanyang bahay pero nasa iisang compound lang sila at magkakasama pa rin.

At ayon sa CEO-President ng Beautederm na si Ms Rhea Anicoche-Tan, very effective ambassador si LT dahil noong kinuha niya itong ambassador ng Beautederm ay sold-out kaagad ang kanyang eneendosong produkto at gustong-gusto ng kanyang mga reseller.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *