WALA naman daw pagta-trying hard sa parte ni director Joel Lamangan nang mag-promote pa siya ng pelikula niyang Hindi Tayo Pwede nang humarap siya bilang resource person sa pandinig ng senado sa franchise extention ng ABS-CBN.
TINANONG naman kasi siya ni Senadora Grace Poe kung ano ang pelikula niya. In fact, nagtanong pa si direk Joel kung ok lang bang sabihin pa iyon. Pero binigyan siya ng assurance ng senadora na ok lang sabay sabi pang, ”tangkilikin ang pelikulang Pilipino.”
Iyon ang dahilan kung bakit sinamantala naman ni direk Joel ang plugging niya, after all nationwide broadcast nga naman iyan sa maraming television at radio networks. Bagama’t sa TV, ABS-CBN lang yata ang nag-broadcast ng kabuuan niyon ng live.
HATAWAN
ni Ed de Leon