Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

SUNTOK SA TALA: Matteo, sinuntok ang bodyguard ni Sarah sa kanilang kasal

SINUNTOK at tinamaan sa leeg ni Matteo Guidicelli ang bodyguard ng kanyang asawa na ngayong si Sarah Geronimo, na nagpakilalang si Jerry Tamara y Cortez, 31, at naninirahan sa 1000 Mindanao Avenue Quezon City. Ito ay ayon sa sumbong na ginawa ni Tamara sa presinto 7 ng Taguig Police.

Habang idinaraos umano sa Shangrilla Hotel sa BGC ang kasal na sibil nina Sarah at Matteo, dumating ang ina ng singer aktres at ipinatigil ang kasal, at humingi ng ilang sandali para makausap muna ang anak. Sinabi ng ina ni Sarah na wala silang alam na magpapakasal na ang kanilang anak noong Huwebes ng gabi.

Sa pangyayaring iyon, hinarap umano ni Matteo si Tamara at sinuntok ito dahil sa bintang na iyon ang nagsumbong sa nanay ni Sarah ng tungkol sa sikretong kasal.

Tumakbo sa ospital si Tamara para kumuha ng medical certificate ng nangyari sa kanya, at tapos ay tumuloy sa pulisya ng Taguig at ginawa ang report. Hindi muna nagpahayag ng kahit na ano si Tamara habang nag-iisip pa kung ihahabla si Matteo. Kung sakali, si Matteo ay mahaharap sa kasong physical injuries.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …