Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd at Bea movie, sure hit

NAGKASAMA lang sa isang script reading project sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, marami na agad ang nagsabi na bagay silang dalawa, at hindi lang sinasabing sana ay magkaroon sila ng pelikula. May nagsasabi pang sana magkatuluyan na lang silang dalawa.

Sina John Lloyd at Bea ay nakagawa na rin naman ng ilang pelikulang lahat ay naging malalaking hits. May tuksuhan pa ngang pareho sila ng kapalaran, dahil basta na lang hiniwalayan ng nanay ng kanyang anak na si Ellen Adarna si John Lloyd. Si Bea naman ay sinasabing ipinagpalit ng dati niyang boyfriend sa iba. Pero sinasabi ngang panalo pa rin sila dahil parang mas lalo silang sumikat matapos na mangyari naman ang ganoon sa kanilang lovelife.

Siguro nga kung mabibigyan ang dalawa ng isang magandang love story, kikita nang malaki iyan. Sabik na sabik ang mga tao na muling mapanood sa isang magandang pelikula si John Lloyd, at siyempre ang gusto nila ay iyong mga pelikulang gaya niyong dati niyang ginagawa. Hindi kasi panahon para mag-experimental movie si John Lloyd sa ngayon.

Si Bea naman, patuloy na maganda ang resulta ng kanyang mga pelikula, at kung makakasama nga ang dating ka-love team na si John Lloyd, aba eh patok iyan.

Aba eh sa ngayon kailangang isipin muna nila ang mga pelikulang kikita nang malaki. Baka iyan pa ang kanilang maging fall back position. After all hindi nila kailangan ng congressional franchise para makagawa ng mga pelikula. Baka iyon ang maaari nilang maasahang magtutuloy-tuloy sa panahong ito.

Kami man naniniwala na magandang isang proyekto ang ipagawa kina John Lloyd at Bea, baka sa tagal nang hindi nila pagtatambal makagawa sila ng panibagong box office hit record.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …